PNPA: World-class center of excellence in public safety and social defense education and training.
   
 
 
      

Silang,Cavite- Ang Akademya ng Pambansang Pampulisya ng Pilipinas ay makulay na ginunita ang Buwan ng Wikang Pambansa na may temang โ€œFilipino, Wikang Mapagpalayaโ€ kasama ang panauhing pandangal at tagapagsalita na si Kongresista Richelle Louise Singson-Michael ng โ€œAko Ilocano Ako Partylistโ€. Ang masayang pagtatapos ng Buwan ng Wika ay naganap sa BGen Cicero Campos Grandstand, Camp General Mariano N Castaรฑeda, Silang, Cavite ngayong Agosto 30, 2024.

Ang Buwan ng Wikang Pambansa ay ginuginuta sa buwan ng Agosto na sumasalamin sa mayamang kasaysayan, kultura, tradisyon, at identidad na sumisimbolo sa pagka Pilipino. Ang tema ngayong taon na โ€œFilipino, Wikang Mapagpalayaโ€ ay nagpapaalala lamang sa atin na ang Wikang Filipino ay isang makapangyarihang papel tungo sa pagkakaisa at paglaya, na kung saan mas malaya nating naipapahayag ang saloobin, adhikain, at pangarap bilang isang mamayang may malayang bayan.

Tunay nga, na ang Wikang Filipino ang nagsisilbing daan at boses sa Kalayaan- Kalayaan na sa bawat salitang binibigkas natin ay nagbibigay boses at diwa ng pagka Pilipino, isang diwang may pagmamahal sa kapwa, takot sa Diyos, may malasakit sa Bayan at Kapaligaran, at higit sa lahat may pangarap sa Bansang Pilipinas sa mas maunlad na kinabukasan.

#TeamPNPA#gustongpulisligtaska#BagongPilipinas

Related Posts