PNPA: World-class center of excellence in public safety and social defense education and training.
   
 
 
      

PRESS RELEASE Control No. 2022-09

AUTHORITY : PBGEN ERIC E NOBLE, Acting Director, PNPA

ACTION OFFICER : PLTCOL LOUIE DC GONZAGA, Chief, Public Information Office

DATE : September 03, 2022

PAGTATAPOS SA PAGDIRIWANG NG LINGGO NG WIKA SA AKADEMYA

Kaisa ang Pambansang Akademya ng Pulisya ng Pilipinas sa programa ng ating pamahalaan sa pagtataguyod ng Filipino bilang pambansang wika ng Pilipinas. Atin ngang mababatid na ang wikang Filipino ay nagsisilbing susi sa epektibong pakikibag ugnayan at talastasan sa ating komunidad upang tayo ay magka-unawaan at magka-intindihan- isang mahalagang instrument tungo sa kaunlaran.

Simula noong Agosto 29 hanggang Setyembre 2, 2022, ang ipinamalas ng mga kadete ng Philippine National Police Academy ang angkin nilang talento’t husay sa iba’t- ibang patimpalak na naglalayong payabungin ang Wikang Filipino at Wikang Katutubo. Sila ay nakilahok sa iba’t ibang mga aktibidad na nagtaguyod ng kultura, pagpapahalaga, at pamana ng lahing Pilipino sa pamamagitan ng kanilang talino at kakayahan kaugnay sa temang “Filipino at mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha” para sa taong ito.

Nagsilbi ring tulay ang makulay na pagdiriwang ng Buwan ng Wika upang muling makasama ng mga kadete ang kanilang mga pamilya na nagmula pa sa iba’t- ibang dako ng ating bansa. Ang mga magulang ng ating mga kadete rin ay lubos na nagalak at nagsaya sa kanilang natunghayan na kahusayan ng kanilang mga anak. Ito’y naging magandang pagkakataon upang masaksihan ng buong Pilipinas kung paanong ang mga kadete, sa kabila ng kaunting oras sa paghahanda, ay nagawa pa ring ipagdiwang ang lingo ng wikang Filipino. Ang selebrasyon rin na ito ay napanood sa Facebook Page ng akademya para sa mga hindi nakarating at nasaksihan ang angking galing ng mga kadete.

Sa pamumuno ni PBGEN ERIC E NOBLE, Direktor ng Akademya, patuloy ang pag-usad at pagtaguyod ng mga natatanging kakayahan ng mga kadete na magsisilbi nilang pundasyon upang maging mga huwarang kawani ng ating kapulisan. Ang selebrasyon rin na ito sa isa lamang sa mga programa ng Akademya upang mas linangin pa ang mga natatagog abilidad, talion, at kagalingan ng mga kadete ng PNPA.

(PNPA-PIO)

#LifeIsBeautiful

#IskolarParaSaBayan

#PinagaralNiyoPoAko

#WAHGAM

#HailPNPA

Related Posts