PNPA: World-class center of excellence in public safety and social defense education and training.
   
 
 
      

Bilang pagpapahalaga sa ating sariling wika, idinaos ng buong lupon ng Pinakamataas na Institusyon ng Disiplina at Kahusayan sa Pilipinas ang pagdiriwang ng Buwan kalakip ang tema sa taong ito: “ Filipino at mga Wikang Katutubo sa Dekolonisasyon ng Pag-iisip ng mga Pilipino ”. Layunin ng pagdiriwang ang patuloy na pagpapayaman, at pagpapalaganap ng mga wikang katutubo na makapag-aambag sa higit na kagalingan at kalinangang pambansa ng mga Pilipino. Sa loob ng isang linggo may iba’t-ibang uri ng patimpalak at pagtatanghal ang inilunsad ng Grupo sa Akademiko ng Akademya sa liderarato ni PMGEN Rhoderick C Armamento, Direktor at sa pangunguna ni PBGEN Angeles B Geñorga Jr., Dekano ng Akademiko, na nilahukan ng mga kadete mula sa ibat-ibang balangay, antas at klase. Ilan sa mga ito ay ang tulang pasalita,sabayang pagbigkas, pagsulat ng sanaysay, ibat-ibang katutubong laro tulad ng patintero, tumbang preso at marami pang iba. Isang makulay at magiliw na pangwakas na palatuntunan ang idinaos ngayong araw. Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng isang parada ng mga pangkulturang kasuotan na yari sa mga patapon na materyales na ginamitan ng malikhaing sining at kasanayan ng bawat mga balangay. Gayundin sinundan ito ng bawat talupad na nagpamalas ng mga angking galing sa pagpresenta ng tunog pinoy at pagsayaw ng mga sayaw pangkultura. Ito ay pinasinayaan kasama ang Panauhing Pandangal na si PMGEN Mao Ranada Aplasca (Ret.) Tagapangasiwa ng Kapayapaan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na binigyang diin ang importansya ng wika; “Nandito po tayo nagdiriwang ng linggo ng wika at ng kultura ng Pilipinas; at sa pamamagitan ng selebrasyon na ito, ay naaalala natin kung ano ba tayo bilang isang Pilipino.” Ang isa sa pinakatampok ng palatuntunan ay ang pagpili ng tatanghaling Ginoo at Binibining Buwan ng Wika sa apat na nagkikisigan at nagagandahang mga kalahok ng bawat talupad. Nasungkit ng ikaapat na talupad na sina G. Dan Raphael Gildore mula sa Hawk Balangay at Bb. Lara Julia Cagas mula sa Golf Balangay ang titulo sa panuruang taong ito. Itinanghal naman bilang pangkalahatang kampeon ang Echo Balangay. Sa kabila ng kinakaharap ng mga pagsubok ito ay idinaos ito upang alalahanin ang kasaysayan, kilalanin, panatilihin at paunlarin ang wikang Filipino. Ginagawa ito bilang pagsaludo at pagmamahal sa Pilipinas. Mahal kita Wikang Filipino! PNPA and the whole Camp Gen Mariano N Castañeda are in the Bubble Concept. All Cadets and personnel are vaccinated and the strict observance of the MPHS is implemented.

#lifeisbeautiful

#KaligtasanNyoSagotKo

#TulongTulongTayo

#MKKequalsK

#PNPKakampiMo